Nūr al-Turāth (نور التراث):The Light of Heritage

Sa Mata ng isang Magbabangun: Ang Unti-unting Paglaho ng Sultanato ng Sulu

صَلَوَاتُ الْوَفَاءِ لِسَادَاتِ سُولُو وَآلِ الْمُصْطَفَى Ṣalawātu al-Wafā’ li-Sādāti Sūlū wa Āl al-Muṣṭafā “Prayers of Loyalty for the Nobles of Sulu and the Family of the Chosen One”

اللَّهُمَّ صَلِّ وَسَلِّمْ وَبَارِكْ عَلَى سَيِّدِنَا مُحَمَّدٍ، وَعَلَى آلِهِ وَصَحْبِهِ أَجْمَعِينَ، وَصَلِّ وَسَلِّمْ وَبَارِكْ عَلَى ذُرِّيَّتِهِ الطَّاهِرَةِ، سَادَاتِ الأَشْرَافِ فِي الفِلِبِّين، وَعَلَى أَوْلَادِهِ مِنْ بَعْدِهِ، مِنْ سَلَاطِينِ سُولُو العِظَام:

السُّلطَانِ الشَّرِيفِ الهَاشِم، وَالسُّلطَانِ كَمَالِ الدِّين، وَالسُّلطَانِ عَلَاءِ الدِّين، وَالسُّلطَانِ أَمِيرِ الأُمَرَاءِ، وَالسُّلطَانِ مُعَزِّ الدِّينِ المُتَوَكِّل، وَالسُّلطَانِ نَاصِرِ الدِّينِ الأَوَّل، وَالسُّلطَانِ مُحَمَّدٍ الحَلِيم، وَالسُّلطَانِ بَاتَارَا شَاه تَنْجَه، وَالسُّلطَانِ مُوَلَّوْلِيل وَاسِط الأَوَّل، وَالسُّلطَانِ نَاصِرِ الدِّينِ الثَّانِي، وَالسُّلطَانِ صَلَاحِ الدِّينِ بُخْتِيَار، وَالسُّلطَانِ عَلِي شَاه، وَالسُّلطَانَةِ نُورِ العَزَّام، وَالسُّلطَانِ الحَقْنُو بْنِ وَلِيِّ الأَحَد، وَالسُّلطَانِ شِهَابِ الدِّين، وَالسُّلطَانِ مُصْطَفَى شَفِيِّ الدِّين، وَالسُّلطَانِ بَدَرِ الدِّينِ الأَوَّل، وَالسُّلطَانِ نَاصِرِ الدِّين، وَالسُّلطَانِ عَزِيمِ الدِّينِ الأَوَّل، وَالسُّلطَانِ بَنْتِيلَان مُعَزِّ الدِّين، وَالسُّلطَانِ عَزِيمِ الدِّينِ الثَّانِي، وَالسُّلطَانِ مُحَمَّد إِسْرَائِيل، وَالسُّلطَانِ شَرَفِ الدِّين، وَالسُّلطَانِ عَزِيمِ الدِّينِ الثَّالِث، وَالسُّلطَانِ عَلِي الدِّين، وَالسُّلطَانِ شَاكِرُ الله، وَالسُّلطَانِ جَمَالُ الكِرَامِ الأَوَّل، وَالسُّلطَانِ مُحَمَّد بُولَالُون كِرَام، وَالسُّلطَانِ جَمَالُ العَزَّام، وَالسُّلطَانِ بَدَرُ الدِّينِ الثَّانِي، وَالسُّلطَانِ هَارُون الرَّشِيد، وَالسُّلطَانِ جَمَالُ الكِرَامِ الثَّانِي، وَالسُّلطَانِ جَيْنَال أَبِيرِين الثَّانِي.

اللَّهُمَّ اجْعَلْنَا مِنْ أَتْبَاعِ سُنَّةِ نَبِيِّكَ مُحَمَّدٍ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، وَمِنْ أَهْلِ الحَقِّ، وَاحْفَظْ نَسْلَ سَادَاتِ الأَشْرَافِ فِي الفِلِبِّين، وَأَزْوَاجَهُمْ وَذُرِّيَّاتِهِمْ مِنْ كُلِّ سُوءٍ، وَبَارِكْ فِيهِمْ، يَا أَرْحَمَ الرَّاحِمِينَ. آمِينَ.

Allāhumma ṣalli wa sallim wa bārik ʿalā Sayyidinā Muḥammad, wa ʿalā ālihi wa ṣaḥbihi ajmaʿīn, wa ṣalli wa sallim wa bārik ʿalā dhurriyyatihi al-ṭāhirah, Sādāti al-Ashrāf fī al-Filibbīn, wa ʿalā awlādihi min baʿdihi, min Salāṭīni Sūlū al-ʿiẓām:

al-Sulṭān al-Sharīf al-Hāshimī, wa al-Sulṭān Kamāl al-Dīn, wa al-Sulṭān ʿAlāʾ al-Dīn, wa al-Sulṭān Amīr al-Umara’, wa al-Sulṭān Muʿizz al-Dīn al-Mutawakkil, wa al-Sulṭān Nāṣir al-Dīn al-Awwal, wa al-Sulṭān Muḥammad al-Ḥalīm, wa al-Sulṭān Bātārā Shāh Tanjah, wa al-Sulṭān Muwallil Wāsit al-Awwal, wa al-Sulṭān Nāṣir al-Dīn al-Thānī, wa al-Sulṭān Ṣalāḥ al-Dīn Bukhtiyār, wa al-Sulṭān ʿAlī Shāh, wa al-Sulṭānah Nūr al-ʿAzzām, wa al-Sulṭān al-Ḥaqnū ibn Walī al-Aḥad, wa al-Sulṭān Shihāb al-Dīn, wa al-Sulṭān Muṣṭafā Shafiyy al-Dīn, wa al-Sulṭān Badar al-Dīn al-Awwal, wa al-Sulṭān Nāṣir al-Dīn, wa al-Sulṭān ʿAzīm al-Dīn al-Awwal, wa al-Sulṭān Bantīlān Muʿizz al-Dīn, wa al-Sulṭān ʿAzīm al-Dīn al-Thānī, wa al-Sulṭān Muḥammad Isrāʾīl, wa al-Sulṭān Sharaf al-Dīn, wa al-Sulṭān ʿAzīm al-Dīn al-Thālith, wa al-Sulṭān ʿAlī al-Dīn, wa al-Sulṭān Shākirullāh, wa al-Sulṭān Jamāl al-Kirām al-Awwal, wa al-Sulṭān Muḥammad Bulālūn Kirām, wa al-Sulṭān Jamāl al-ʿAzzām, wa al-Sulṭān Badar al-Dīn al-Thānī, wa al-Sulṭān Hārūn al-Rashīd, wa al-Sulṭān Jamāl al-Kirām al-Thānī, wa al-Sulṭān Jaynāl Abirīn al-Thānī.

Allāhumma ajʿalnā min atbāʿ Sunnati Nabiyyika Muḥammad ṣallallāhu ʿalayhi wa sallam, wa min ahl al-ḥaqq, wa iḥfaẓ nasla Sādāti al-Ashrāf fī al-Filibbīn, wa azwājahum wa dhurriyyātihim min kulli sū’, wa bārik fīhim, yā Arḥam al-Rāḥimīn. Āmīn.

O Allah, send Your blessings, peace, and grace upon our Master Muḥammad, and upon his noble family and righteous companions.

O Allah, send Your blessings, peace, and grace upon his pure progeny, the noble descendants (Sādāt al-Ashrāf) in the Philippines, and upon his sons after him from among the illustrious Sultans of Sulu:

Sultan Sharif al-Hashim, Sultan Kamal al-Din, Sultan ʿAlaʾ al-Din, Sultan Amīr al-Umaraʾ, Sultan Muʿizz al-Din al-Mutawakkil, Sultan Nāṣir al-Dīn I, Sultan Muḥammad al-Ḥalīm, Sultan Batara Shah Tengah, Sultan Muwallil Wasit I, Sultan Nāṣir al-Dīn II, Sultan Ṣalāḥ al-Dīn Bakhtiyār, Sultan ʿAlī Shāh, Sultana Nūr al-ʿAẓam, Sultan al-Ḥaqnu ibn Walī al-Aḥad, Sultan Shahāb al-Dīn, Sultan Muṣṭafā Shafīʿ al-Dīn, Sultan Badr al-Dīn I, Sultan Nāṣir al-Dīn, Sultan ʿAzīm al-Dīn I, Sultan Bantilan Muʿizz al-Dīn, Sultan ʿAzīm al-Dīn II, Sultan Muḥammad Isrāʾīl, Sultan Sharaf al-Dīn, Sultan ʿAzīm al-Dīn III, Sultan ʿAlī al-Dīn, Sultan Shākir Allāh, Sultan Jamālul Kirām I, Sultan Muḥammad Pulālūn Kirām, Sultan Jamāl al-ʿAẓam, Sultan Badr al-Dīn II, Sultan Hārūn al-Rashīd, Sultan Jamālul Kirām II, and Sultan Jainal Abirin II.

O Allah, make us among the true followers of the Sunnah of Your Prophet ﷺ, and among the people of truth. Protect the noble lineage of the Sādāt al-Ashrāf in the Philippines,their spouses and their descendants from every harm, and bless them abundantly. Āmīn.

Ang Sultanato ng Sulu, isa sa pinakamatanda at pinaka-maimpluwensyang mga monarkiya ng Islam sa Timog-Silangang Asya, ay may malalim na pamana na nakahabi sa pananampalataya, kultura, at identidad ng mga Tausūg. Ang pag-akyat sa trono ng Sultan ay hindi lamang isang proseso ng politika, kundi isang espiritwal at sagradong gawain, na nakaugat sa tradisyon, batas ng Islam, at malalim na koneksyon sa lahi ni Propeta Muhammad ﷺ. Ang sentral na bahagi ng tradisyong ito ay ang seremonya ng Giba, ang ritwal kung saan ang Sultan ay opisyal na koronahan, na nagmamarka ng pagkalehitimo ng kanyang pagiging Sultan. Ang pagsasagawa ng seremonyang ito ay responsibilidad ng Magbabangun, isang kagalang-galang na linya ng mga tagapangalaga na itinalaga upang tiyakin ang lehitimasiya ng Sultanato.

Ang Seremonya ng Giba: Isang Pamana ng Espiritwal na Awtoridad Ang seremonya ng Giba, isang ritwal na nag-uugat sa Sayyid Sharif Balfaki Alawi at pinagtibay sa ilalim ni Tuan Sharef Mahadum Aminullah Amirilmuhminin noong 1357, ay nagsilbing simbolo ng sagradong paglilipat ng kapangyarihan. Ang salitang Giba, na nangangahulugang “umupo sa hita,” ay isang simbolikong kilos kung saan ang Sultan na itatalaga ay uupo sa hita ng Magbabangun, ang tagapangalaga ng Sultanato, upang tanggapin ang banal na pag-apruba ng kanyang pagSultan. Ang akto ng “pag-upo” ay nagsisilbing simbolo ng pagkilala sa awtoridad ng Sultan, hindi lamang ng mga namumunong tao kundi pati na rin ng banal na lahi ni Propeta Muhammad ﷺ, na nagpapalakas sa papel ng Sultan bilang tagapangalaga ng pananampalataya at pamamahala.

Ayon sa oral na tradisyon na ipinasa sa mga henerasyon, ang Magbabangun ay tanging manggagaling lamang sa mga partikular na pamilya na may direktang lahi mula kay Propeta Muhammad ﷺ. Ang ritwal ng pagsasagawa ng Giba, at ang isa na maaaring maging Magbabangun, ay tanging manggagaling lamang sa linya ng Sharif na pamilya ng Bandahala ng Sulu o Ligaddung ng Tawi-Tawi. Ang mga pamilyang ito ay mahalaga sa lehitimong paghalili ng Sultanato, tinitiyak na ang lahi ng pamumuno ay nanatili sa loob ng tradisyon ng Islam.

Isa sa mga pinakamaagang kilalang tagapangalaga ng seremonya ng Giba ay si Binatal Ara’ ng Parang, isang iginagalang na tao at kapatid ni Sattiya Munuh, isa sa pinakamahalagang ninuno ng Sultanato ng Sulu. Pagkatapos ni Binatal Ara’, ang responsibilidad ng pagsasagawa ng Giba ay ipinasan sa kanyang lahi, una kay Panglima Bandahala, kasunod ang kanyang anak na si Panglima Caluang, at kalaunan ay kay Kapitan Kalingalan Caluang.

Isang mahalagang aspeto na sumusuporta sa pahayag na ang pamilya ni Sattiya Munuh ay may hawak na titulo ng Magbabangun at itinalaga sa seremonya ng Giba ay ang utos ni Sattiya Munuh sa kanyang mga anak at mga salinlahi: hindi nila dapat tawaging “Ampun” (Kagalang-galang) ang Sultan, dahil sila ay may parehong lahi at mas malapit na koneksyon sa dugo ng Propeta Muhammad ﷺ. Ayon sa mga dokumentadong tala, si Panglima Bandahala ay isang pinagkakatiwalaang tagapayo at pinakamalapit na tagabigay payo ni Sultan Jamalul Kiram II, bago pa ang pagtaas sa position ni Hadji Butu. Bilang patunay ng kanilang malalim na ugnayan, tinatawag ni Sultan Jamalul Kiram II si Panglima Bandahala bilang “Amaun” (Tatay).

Ayon din sa oral na tradisyon, sina Maharaja Bayrullah at si Panglima Bandahala ay may mataas na paggalang sa lipunan ng Sulu at, bilang pagpapakita ng pagmamahal at pamilyar na pag-bibiro, madalas tawagin ang Sultan na “Usug Pandak” (Maliit na lalaki), isang malumanay na pamagat na sumasalamin sa malalim at pagiging malapit ng kanilang relasyon. Ang presensya at impluwensya ni Panglima Bandahala at ng kanyang lahi ay mahalaga sa pag-unawa ng kasaysayan ng Sultanato. Ang lahi ni Panglima Caluang at Kapitan Kalingalan Caluang, ang huling kilalang Magbabangun na nagsagawa ng seremonya ng Giba, ay may mahalagang papel sa pagsisigurado ng lehitimasiya ng Sultanato ng Sulu at sa pagpapalakas ng iginagalang na katayuan ng Sultanato sa kasaysayan ng Sulu.

Ang Pagkakawatak-watak ng Sultanato Matapos ang Pagkamatay ni Sultan Jamalul Kiram II Matapos ang pagkamatay ni Sultan Jamalul Kiram II, ang huling Sultan na ang paghalili ay sumunod sa tradisyonal na Giba, ang Sultanato ay nagsimulang magkaruon ng pagkakawatak-watak. Ang politikal na pagkakaisa na dating nagbigay-diin sa Sultanato ng Sulu ay naglaho, at kasama nito ang awtoridad ng Sultanato bilang simbolo ng relihiyon at politikal na pagkakaisa. Nang kinalimutan at isinawalang bahala ang seremonya ng Giba, ang mga nag-aangking magmana ng trono, kabilang ang mga nagmula sa pamilya ng Kiram, ay nagsimulang umangat, ngunit wala ni isa ang sumailalim sa sagrado at tradisyonal na seremonya upang pagtibayin ang kanilang pagiging Sultan.

Ayon kay Hji Abraham I. Dalagan, “Ang lehitimong Sultan (Sultan Sahih) ay dapat isang Salip (Sharif,apo ni Propeta Muhammad ﷺ).” Ang Salip na katayuan ay mahalaga sa lehitimasiya ng Sultanato. Subalit, pagkatapos ng Sultan Jamalul Kiram II, ang tradisyonal na seremonya ng Giba ay hindi na isinagawa, at ang lehitimong linya ng paghalili ay hindi na pinanatili. Nang isinawalang bahala Magbabangun, ang lehitimasiya ng Sultanato ay naging may pagdududa, at ang iba’t ibang mga nag-aangkin ng trono ay nagsimulang lumitaw, bawat isa ay nag-aangkin ng kanilang karapatan sa pagiging Sultan.

Ang pamilya ng Kiram, kabilang ang Mohammed Esmail Kiram, Mohammed Mahakuttah Abdullah Kiram, Muedzul Lail Tan Kiram, at pati na si Jamalul Kiram III, ay patuloy na nag-aangkin ng trono ng Sulu. Subalit, ang mga nag-aangking ito ay hindi sumailalim sa seremonya ng Giba, na matagal nang pundasyon ng lehitimasiya ng Sultanato. Ang pagsasantabi sa kahalagahan ng Magbabangun upang patunayan ang kanilang pagkasultan ang nag-udyok sa kanila na lumapit sa sekular na gobyerno ng Republika ng Pilipinas para sa pagkilala bilang Sultan.

Dapat nating tandaan na ang Republika ng Pilipinas ay patuloy na nagpatibay sa mga konstitusyon nito na hindi kinikilala ang mga titulong maharlika, tulad ng Sultan, sa ilalim ng batas. Ang ganitong sekular na pamamaraan ay lalong nagpalayo sa Sultanato mula sa ugat nito ng pamamahalang Islamiko, na naglalagay ng titulo ng Sultan mula sa isang tradisyona na seremonya na dadaan sa mga apo ng Propeta Muhammad ﷺ.

Ang Kakulangan ng Na-Authenticate na Linya ng Pagkakasunod Isa sa mga pangunahing isyu sa lehitimasiya ng mga modernong nag-aangking magmana ng Sultanato ay ang kakulangan ng isang napatunayang Tarsila (talaangkanan), na mag-uugnay ng linya ng Sultanato pabalik kay Propeta Muhammad ﷺ. Habang may mga oral na tradisyon at salaysay mula sa pamilya na nagsasabing malakas ang koneksyon sa lahi ng Propeta, hindi ito ganap na naitatag sa pamamagitan ng pagsusulat at napatotohanang mga record na dumaan sa mga Naqib Sadat Al Ashraf(Tagapangalaga ng mga marangal na apo ng Propeta Muhammad ﷺ). Ayon din kay Hji Abraham I. Dalagan, “Hindi sapat na ang isang tao ay itatalaga bilang Rajah Muda (Prinsepeng tagapagmana) lamang ng Sultan kung hindi ito kinikilala o inaaprubahan ng Datu Bandahala at ng natitirang Ruma Bichara (konseho ng mga maharlika).” Nang walang malinaw na dokumentasyon ng talaangkanan at pag-apruba mula sa Magbabangun, maraming mga pag-aangkin ng trono ang nananatiling may pagtatalo.

Ang kawalan ng isang malinaw, na napatunayang rekord ng tarsila ay nagdudulot ng mga katanungan tungkol sa tunay na lehitimasiya ng mga kasalukuyang nag-aangkin sa Sultanato. Ang mga oral na tradisyon ay may halaga, ngunit kailangan suportahan ng masusing pagsasaliksik at dokumentasyon ng isang Naqib Sadat Al Ashraf upang mapagtibay ang Nasab (linya ng lahi) at maibalik ang lehitimong pamumuno ng Sultanato.

Ang Katapusan ng Sultanato at ang Hinaharap Ngayon, habang ang ideya ng pagbabalik ng Sultanato ay tinalakay ng ilan, malinaw na ang pagbabalik ng Sultanato ng Sulu bilang isang institusyon ay maaaring hindi na kinakailangan. Ang tunay na karangalan ay hindi matatagpuan sa pagbabalik ng mga titulo ng kapangyarihan, kundi sa ating koneksyon kay Propeta Muhammad ﷺ, ang minamahal ng Allah. Ang ating karangalan ay matatagpuan sa pagiging mga tagasunod ng Ahlus Sunnah Wal Jama’ah, pagsunod sa Ash’ari na paaralan ng pag-iisip at Shafi’i Madhhab, at pagyakap sa Tasawwuf na mayroong malinaw na isnad pabalik sa Propeta ﷺ. Ang koneksyong ito, higit pa sa anumang katayuan o titulo ng kapangyarihan, ang nag-uugnay sa atin bilang mga Muslim at nagbibigay ng ating tunay na pagkatao.

Gaya ng binigyang-diin ng mga iskolar ng Ahlus Sunnah Wal Jama’ah, ang tunay na pagkakaisa para sa mga Muslim sa akhir zaman (panahon ng katapusan) ay hindi manggagaling sa pagbabalik ng mga monarkiya, kundi mula sa ating kolektibong pananampalataya, kaalaman, at ang pamumuno ni Imam Mahdi (alayhis salam), na mag-uugnay sa mga Muslim sa ilalim ng bandila ng Islam. Ang pagbabalik ng Sultanato ay hindi magdudulot ng pagkakaisa; tanging ang pagbabalik sa Shariah-Tariqa-Ma’rifa-Haqiqa, mga kaugalian ng Islam, at tunay na pamumuno ang makakapagdala niyon.

Sa halip na tumutok sa politikal na pagbabalik, ang ating mga pagsisikap ay dapat ilaan sa pagpreserba ng ating pamana, tinitiyak na ang ilmuh kamaasan, nakasulat at pasalita na tradition na ipinasa ng ating Kamaasan (mga nakatatanda). Ang Tarsila, na nag-uugnay sa atin kay Propeta Muhammad ﷺ, ay dapat maingat na ingatan at maipasa sa mga susunod na henerasyon, dahil ang tunay na karangalan ay nasa ating koneksyon kay Propeta Muhammad ﷺ at ang hindi mapuputol na lahi ng Islam.

Sa ganitong layunin, kailangan nating magpatuloy na may isang nagkakaisang espiritu sa ilalim ng pamumuno ni Imam Mahdi (alayhis salam), at hindi maghati-hati dahil sa mga titulo, posisyon, o pag-aangkin sa kapangyarihan. Nawa’y magkaisa tayo sa ating pagmamahal kay Propeta Muhammad ﷺ at sa ating pangako na ipagpatuloy ang ating pananampalataya.

صَلَوَاتُ التَّجَلِّي عَلَى آلِ سَيِّدِنَا الْمُجَاهِدِينَ السُّلُوِّيِّينَ Ṣalawātu at-Tajallī ʿalā Āli Sayyidinā al-Mujāhidīn as-Sulūwiyyīn “Salawat of Divine Manifestation upon the Family of Our Master, the Sulu Warriors”

اَللَّهُمَّ صَلِّ وَسَلِّمْ وَبَارِكْ عَلَى سَيِّدِنَا مُحَمَّدٍ، نُورِ ذَاتِكَ، وَسِرِّ أَسْمَائِكَ، وَكَنْزِ مَعَارِفِكَ، وَآيَةِ رَحْمَتِكَ الْكُبْرَى، وَحَقِيقَةِ الْمُحِبِّينَ لَكَ حَقًّا، صَلَاةً تَفُوقُ كُلَّ صَلَاةٍ، وَتَرْفَعُ الْحُجُبَ، وَتُطَهِّرُ الْقُلُوبَ، وَتُوصِلُنَا بِهِ إِلَيْكَ يَا أَرْحَمَ الرَّاحِمِينَ.

وَصَلِّ وَسَلِّمْ وَبَارِكْ عَلَى سَيِّدِ بِنَاتِ الْأَرَاءِ، وَعَلَى أَوْلِيَاءِ لُوُءُكْ، سَيِّدِ سَطِّيَا مُنُؤْ، وَالْمُسْتَشَارِ الْمَأْمُونِ لِلسُّلْطَانِ، وَالْقَائِدِ الْمُجَاهِدِ سَيِّدِ الشَّرِيفِ بَنْغْلِيمَا بَنْدَهَالَهْ، وَسَيِّدِ الشَّرِيفِ الْمَهْرَجَ بَيْرُ اللهْ، وَسَيِّدِ الشَّرِيفِ بَنْغْلِيمَا كَالُوَانْغ، وَبَطَلِ التَّاوْسُوْغِ سَيِّدِ الشَّرِيفِ كَابْتِنْ كَلِنْغَلَنْ كَالُوَانْغ، وَالْوَلِيِّ سَيِّدِ الشَّرِيفِ الْحَاجِ يَحْيَى كَالُوَانْغ، وَقَائِدِ الْمَيْدَانِ وَأَسَدِ مِنْدَنَاوْ سَيِّدِ الشَّرِيفِ الْحُسَيْنْ كَالُوَانْغ، وَالزَّاهِدِ الْقَائِدِ وَالْمُرْشِدِ لِأَرْبَعِينَ طَرِيقَةً صُوفِيَّةً سَيِّدِ الشَّرِيفِ الْحَسَنِ كَالُوَانْغ، وَآلِ كَالُوَانْغ بِسُلُوْ، وَآلِ حُسَيْنْ-هَاشِمْ بِسُلُوْ وَسَاوْثْ أُبِيَانْ، وَجَمِيعِ أَوْلِيَائِكَ .

إِلَهِي، اجْعَلْ صَلَوَاتِنَا عَلَيْهِ سَبَبًا لِنَيْلِ رِضَاكَ، وَوُصُولِنَا إِلَيْكَ، وَمَعْرِفَتِكَ حَقًّا، وَمُشَاهَدَةِ وَجْهِكَ الْكَرِيمِ.

Transliteration:

Allāhumma ṣalli wa sallim wa bārik ʿalā Sayyidinā Muḥammad, nūri dhātika, wa sirri asmāʾika, wa kanzi maʿārifika, wa āyati raḥmatika al-kubrā, wa ḥaqīqati al-muḥibbīn laka ḥaqqan, ṣalātan tafūqu kulla ṣalātin, wa tarfaʿu al-ḥujub, wa tuṭahhiru al-qulūb, wa tuwaṣṣilunā bihi ilayka yā Arḥama al-Rāḥimīn.

Wa ṣalli wa sallim wa bārik ʿalā Sayyidi Bināti al-Arāʾ, wa ʿalā Awliyāʾ Luʾuk, Sayyidi Saṭṭiyā Munuʾ, wa al-Mustashāri al-Maʾmūn li al-Sulṭān wa al-Qāʾidi al-Mujāhidi Sayyidi al-Sharīf Panglima Bandahālāʾ, wa Sayyidi al-Sharīf al-Mahrajā Bayrullāh, wa Sayyidi al-Sharīf Panglimā Caluāng, wa Baṭali al-Tā-u-sūgh Sayyidi al-Sharīf Captain Kalingalān Caluāng, wa al-Waliyyi Sayyidi al-Sharīf al-Ḥājj Yaḥyā Caluāng, wa Qāʾidi al-Maydān wa Asadi Mindanāw Sayyidi al-Sharīf al-Ḥusayn Caluāng, wa al-Zāhidi al-Qāʾid wa al-Murshid li Arbaʿīna Ṭarīqatan Ṣūfiyyatan Sayyidi al-Sharīf al-Ḥasan Caluāng, wa Āli Caluāng bi-Sulū, wa Āli Ḥusayn-Hāshim bi-Sulū wa South Ubiyān, wa jamīʿi awliyāʾika

Ilāhī, ijʿal ṣalawātinā ʿalayhi sababān li-nayli riḍāka, wa wuṣūlinā ilayk, wa maʿrifatika ḥaqqan, wa mushāhadati wajhika al-karīm.

English Translation:

O Allah, send Your peace, blessings, and grace upon our Master Muḥammad the Light of Your Essence, the Secret of Your Names, the Treasure of Your Gnosis, the Greatest Sign of Your Mercy, and the embodiment of true lovers of You. A prayer that surpasses all prayers, removes veils, purifies hearts, and brings us to You, O Most Merciful of the merciful.

And send peace, blessings, and grace upon Sayyid Binatal Ara', and upon the Saints of Lu’uk: Sayyid Sattiyā Munu’, the Trusted Adviser to the Sultan, the Commander and Warrior Sayyid Sharīf Bandahala’, Sayyid Sharīf Maharaja Bayrullah, Sayyid Sharīf Panglima Caluang, the Tausug Hero Sayyid Sharīf Captain Kalingalan Caluang, the Saint Sayyid Sharīf Ḥājj Yahya Caluang, the Field Commander and Lion of Mindanao Sayyid Sharīf al-Ḥusayn Caluang, the Ascetic Leader and Guide of the Forty Sufi Paths Sayyid Sharīf al-Ḥasan Caluang, the entire Caluang Family of Sulu, and the Hussin-Hashim Family of Sulu and South Ubiyān and upon all Your saints.

O my God, make our prayers upon him a means to attain Your pleasure, to reach You, to truly know You, and to witness Your Noble Countenance.

References

Dalagan, A. I. (2023, August 26). The Sultan Sahih (The Legitimate Sultan), he must be a Salip (ethnicized term for Sharif denoting descendant of the Prophet Muhammad ﷺ) [Facebook post]. Facebook. https://www.facebook.com/share/p/1BBtdEZHKm/

Caluang, C. H. (2025). The tradition of Giba: A legacy of leadership and valor. Retrieved from https://medium.com/@calhussin96/one-of-the-narrations-regarding-the-lumpang-basih-66a1c9b02be6

Espaldon, E. (1997). With the bravest: The untold story of the Sulu freedom fighters of World War II. Bureau of Public Printing.

Shim, Q. M. (2020). Tawi-tawi celebrates Karim’ul Makhdum Day. MindaNews. Retrieved November 7, 2016.